Inihayag ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na handa na ito sa kanilang apat na araw na Holy Week maintenance activities.
Ipatutupad ito simaula bukas, Huwebes Santo hanggang Linggo ng Pagkabuhay.
Ayon kay LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera, nakaalerto na ang LRTA para sa isasagawang maintenance activities para mapaganda pa ang serbisyo sa mga pasahero ng LRT-2.
Nagpulong na ang mga kinauukulang departamento ng ahensya sa pangunguna ng Engineering Department, Operations Department, at Safety and Security Division upang talakayin ang isasagawang maintenace activities sa Line 2 Depot at buong linya ng LRT-2.
Samantala, magpapatupad naman ng shortened operating hours ang LRTA ngayong Miyerkules Santo. Ang huling tren sa Antipolo Station at Recto Station ay aalis ng alas-7:00 mamayang gabi. | ulat ni Diane Lear