Inanunsyo ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na nagbukas ang ahensya ng karagdagang 10,000 unit ng Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Naniniwala si Guadiz na makapagbibigay ng trabaho sa maraming Pilipino ang pagbubukas ng karagdagang slots o mga panibagong ride hailing app.
Hindi naman siguro masama na bigyan ng maraming option ang mga commuters na pumili ng kanilang masasakyan.
Nilinaw din niya na ang hakbang na magdagdag ng slots para sa TNVS ay hindi makakaapekto sa mga jeepney at tricycle dahil magkaiba naman sila ng market.
Sabi pa ng LTFRB chief na ang pagtaas ng bilang ng mga slot ng TNVS ay nagpapalakas ng kompetisyon sa mga service provider, para pagbutihin ang kalidad ng serbisyo, mas magandang kondisyon ng sasakyan, at mapagkumpitensyang pagpepresyo.| ulat ni Rey Ferrer