Itinanggi ni LTO Chief Vigor Mendoza II na tatapusin na ng ahensya ang kontrata nito sa kasalukuyang operasyon ng Land Transportation Management System (LTMS).
Sa ngayon, mas tinututukan ng LTO ang pagresolba sa lahat ng hamon sa ahensya para makapaghatid ng mabilis at maginhawang serbisyo sa mga kliyente nito sa buong bansa.
Ang mga priyoridad na ito, ayon kay Mendoza, ay ganap na paglipat sa digitalization sa lahat ng transaksyon sa ahensya.
Mula sa humigit-kumulang 70% utilization rate lamang ng LTMS noong Hulyo ng nakaraang taon, pinalawak ito sa humigit-kumulang 97% utilization rate sa unang anim na buwan ng pamumuno ng LTO Chief.| ulat ni Rey Ferrer