Nag-issue na ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause Order laban sa motorcycle rider na nag-viral sa social media matapos maaktuhang nanaksak ng gulong ng isang delivery van matapos makaalitan ang driver nito.
Ayon sa inilabas na pahayag ng LTO, mismong si LTO Intelligence and Investigation Division Head Renante Melitante ang pumirma sa nasabing show cause order.
Nakaalarma na rin aniya ang motorsiklo na nakunan sa viral video. Lumalabas na residente ng Malabon City ang may-ari ng motorsiklo at inaatasan na humarap sa LTO Central office sa March 25 upang magpaliwanag.
Samantala, sinabi naman ni LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II na magsilbi sanang paalala ang show cause order sa mga motorista na iwasang maging marahas sa kalsada. | ulat ni Diane Lear