LTO, paiigtingin ang seguridad sa mga kalsada sa buong bansa sa Holy Week

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakalatag na ang mga hakbang ng Land Transportation Office (LTO) para sa Semana Santa.

Kaugnay nito binigyang direktiba ni LTO Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang lahat ng regional directors at mga opisyal ng ahensya na paigtingin ang seguridad sa mga kalsada.

Ito ay upang matiyak ang seguridad ng mga road user kasunod ng inaasahang pagdagsa ng mga motorista na uuwi at magbabakasyon sa mga probinsya sa Semana Santa.

Ayon kay Mendoza, umaasa siyang mas paiigtingin ng mga lokal na opisyal ang pag-inspeksyon sa mga bibiyaheng bus sa mga terminal para matiyak ang road-worthiness nito, at kaligtasan ng mga pasahero.

Umapela rin ang opisyal sa mga kumpanya ng bus at private vehicle owners, na siguruhing walang problema at maayos ang kondisyon ng kanilang mga bus at sasakyan bago bumiyahe.

Bahagi rin aniya ng inspeksyon ay magpapatupad ng random drug test sa mga driver at konduktor.

Bukod dito ay umapela rin si Mendoza sa mga motorista, na iparehistro ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe ngayong Mahal Araw.

Dagdag pa ni Mendoza, asahan ang presenya ng mga LTO enforcer sa mga kalsada sa Holy Week at summer vacation bilang bahagi ng hakbang ng pag-iingat ng pamahalaan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us