Binigyan diin ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go na kanyang top priority sa ngayon na maresolba ang mabagal na pamamahagi ng National ID system.
Napansin kasi ni Go na halos kalahati lamang ng populasyon ang nakakatnggap ng kanilang mga IDs na dapat sana aniya ay nagagamit na ngayon upang gawing simple ang transaksyon sa public at private sector.
Kabilang sa mga benepisyo ng national ID ang pagpapahusay ng government service delivery at pagpapalakas ng financial inclusion na magpo-promote ng business friendly environment.
Ayon kay Go, isa ito sa tinatrabaho ngayon ng kanyang opisina katuwang Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa digital national ID platform.
Ang “collaboration” ay naglalayong ma-develop ang concrete use ng digital ID hanggang matapos ang taon.| ulat ni Melany V. Reyes