Niyanig ng 6.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao ngayong alas-5:11 ng hapon.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental.
May lalim itong 105 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Dahil sa malakas na pagyanig, aasahan ang aftershocks ayon sa Phivolcs.
Patuloy naman na nakaantabay ang Local Disaster Risk Reduction and Management Units sa posibleng epekto nito. | ulat ni Sheila Lisondra, Radyo Pilipinas Davao
📸 DOST PHIVOLCS