Mahigit 1,000 pampublikong sasakyan, nabigyan ng special permit ng LTFRB para sa Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inaprubahan na nito ang special permit ng mga pampublikong saksakyan upang matiyak na may sapat na masasakyan ang publiko sa Semana Santa.

Ayon sa LTFRB, nitong March 22, nasa 1,021 na mga public utility vehicles (PUVs) ang nabigyan na ng special permit na epektibo hanggang sa April 14.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, upang matiyak ang ligtas at maayos na biyahe ng mga pasahero nagbibigay ang LTFRB ng special permit sa mga special na okasyon gaya ng Holy Week.

Ito rin aniya ay upang ma-maximize ang operasyon ng mga PUV ngayong inaasahan ang dagsa ng mga pasaherong bibiyahe pauwi sa mga probinsya.

Samantala, magsasagawa naman ang LTFRB at Land Transportation Office ng inspeksyon sa mga pampublikong sasakyan sa susunod na mga araw bilang bahagi ng Oplan Bantay-Biyahe Semana Santa 2024.

Nakaalerto naman ang LTFRB simula March 22 hanggang April 11. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us