Inaasahan ng National Amnesty Commission na mahigit 10,000 dating rebelde ang magsusumite ng aplikasyon para makinabang sa Amnesty Proclamation ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Atty. Leah Tanodra-Armamento, base sa Peace Table ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU), nasa 5,000 hanggang 8,000 rebelde sa ilalim ng CPP-NPA ang nagbalik loob na sa pamahalaan.
Sa hanay naman aniya ng MNLF, nasa 5,000 ang posibleng mag-apply para sa amnestiya; habang nasa 40,000 sa MILF ang una nang na-decommission.
Nilinaw ni Armamento na hindi naman lahat ng mga nagbalik-loob ay mayroong kaso, at kailangang mag-apply para sa amnestiya.
Gayunman, inaasahang aakyat pa ang mag-a-apply ng amnestiya dahil tuloy-tuloy din ang pagsuko ng mga dating kasapi ng mga rebeldeng grupong pinagkalooban ng Pangulo ng amnestiya. | ulat ni Leo Sarne