Inaasahang bababa na ang singil sa kuryente para sa mga power consumer sa Mindanao matapos aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang eligibility threshold sa mga power distributor para makalahok sa Retail Competition and Open Access (RCOA) scheme.
Sa ilalim kasi ng RCOA, malaya ang mga power distributor na makapamili ng kanilang mga electricity supplier.
Dahil dito, ang mga konsyumer na kumokonsumo ng average monthly peak demand na 500 kilowatts sa loob ng isang taon ay malaya nang kumuha ng licensed/authorized supplier.
Ayon kay ERC Chairperson, Atty. Monalisa Dimalanta, aabot as 239 na mga power distrbutor ang kuwalipikado para sa RCOA scheme.
Dagdag pa niya, matagal na ring ginagawa ang RCOA sa Luzon at Visayas, kaya’t umaasa siyang magiging daan ito upang maging abot-kaya ang kuryente sa Mindanao. | ulat ni Jaymark Dagala