Magpapatupad ng water service interruption ang Manila Water sa ilang lugar sa Quezon City.
Ito ay dahil sa isasagawang line maintenance, line meter at strainer declogging, at line interconnection sa lungsod na makakaapekto sa ilang customer ng Manila Water.
Batay sa abiso, magsisimula ang water service interruption mamayang alas-10 ng gabi na tatagal hanggang alas-4 ng madaling araw bukas.
Kabilang sa maaapektuhan ang mga residente sa ilang barangay gaya Obrero, Laging handa, Roxas District, Paligsahan, Vasra, at San Martin de Porres.
Habang ang ilang bahagi ng Barangay Pasong Tamo ay pansamantala ring mawawalan ng suplay ng tubig bukas ng alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa Sabado.
Pinapayuhan ang mga apektadong residente na paghandaan ang pansamantalang pagkawala ng supply ng tubig. | ulat ni Diane Lear