Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina at Department of Health (DOH) ang “Ka-Heartner, Puso ang Piliin Health Fair” sa Markina Sports Center ngayong araw.
Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Heart Month.
Sa mensahe ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, binigyang diin nito ang pagkakaroon ng healthy lifestyle upang makaiwas sa mga sakit at matiyak na malusog ang komunidad.
Aniya, layon ng naturang aktibidad na maisulong ang disease prevention at heart health para sa mga senior citizen, high-risk group, at iba pang stakeholders.
Binigyang diin din ng alkalde na ang Marikina LGU ay nagpapatupad na ng mga programa na layong tiyakin ang kalusugan ng mga residente.
Gaya aniya ng pag-develop ng mga pasilidad tulad ng mga parke at playground na maaaring magamit na exercise area ng mga residente.
Sa panig naman ng DOH, hinimok nito ang publiko na piliin at alagaan ang ating mga puso dahil sa kasalukuyan ito ang unang dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas.| ulat ni Diane Lear