Mas ligtas na ruta para sa mga barko na lulan ang Pinoy seafarers, panawagan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang isang mambabatas na magkaroon ng iba o mas maikling ruta para sa mga cargo ships kung may lulan na Filipino seafarers.

Kasunod na rin ito ng pagkamatay ng dalawang Pinoy seafarer at pagkasugat ng iba pa sa pag-atake ng Houthi rebels sa Gulf of Aden.

Ayon kay Biñan City Representative Len Alonte, masyado nang mapanganib ang paglalayag sa karagatan paikot ng Africa para makapunta ng Europa.

Una nang ipinagpasalamat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagsasama ng International Bargaining Forum (IBF) sa kabuuan ng Gulf of Aden bilang “high-risk areas” (HRAs) para na rin sa mas ligtas na ruta para sa mga barko na may sakay na Filipino seafarers.

Muli namang nagpasalamat si Alonte sa Indian Navy, Pamahalaan ng India, Philippine Embassy sa Cairo, at sa ating pamahalaan sa pag-rescue ng mga Pilipino na lulan ng inatakeng barko gayundin sa ligtas na pagpapauwi sa mga Pilipinong tripolante.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us