Pinasinayaan ng Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways, at Lokal na Pamahalaan ng Cebu ang mas malawak at upgraded na bike lanes at end-of-trip cycling facilities sa Metro Cebu ngayong araw.
Sa mensahe ni Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure James Andres Melad, binigyang diin nito ang target ng DOTr na magtayo ng mga active transport facilities na nakatuon sa sustainability.
Ayon kay Melad, ang pagpapapalawig ng nasabing active transport insfrastructure ay sumisimbolo sa dedikasyon at pagsusulong ng DOTr ng healthier lifestyle, mapababa ang carbon emission, at mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga residente.
Ang naturang proyekto ay may lawak na 67.19 kilometers na class 1, 2, 3 na bike lanes sa magakabilang linya na tatahak sa ilang kalsada sa lungsod ng Cebu gaya ng Lapu-Lapu, Mandaue, at munisipalidad ng Cordova at Talisay.
At ang itinayong end-of-cycling facilities ay may 138 na bike racks, limang bike repair stations na nakalagay sa 23 na lokasyon sa Metro Cebu.| ulat ni Diane Lear