Hinimok ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe ang pamunuan ng mga paliparan sa Pilipinas, maging ang iba pang maintenance office sa mga pampubliko at pribadong imprastraktura na magsaagawa ng regular na paglilinis at disinfection ng kanilang mga pasilidad.
“I urge the management of our airports, as well as other maintenance offices both private and public to make it a practice to regularly check disinfect and thoroughly clean facilities.”
Ayon kay Poe, ang paglilinis at pagdi-disinfect ay dapat bahagi na ng standard operating procedure at hindi lang dapat ginagawa kapag may virus outbreak o infestation.
Ang pahayag na ito ng senadora ay matapos mag viral ang karanasan ng ilang pasahero sa NAIA tungkol sa pagkakaroon ng surot sa mga upuan sa paliparan.
Pinunto naman ni Poe na hindi lang ito sa Pilipinas nangyayari at may isyu rin ng surot sa ibang mga bansa.
Binigay pa na halimbawa ni Poe na sa bansang France ay apektado rin ng surot ang mga istasyon ng tren at ilang mga hotel rooms doon.
“That’s an issue is other countries as well. In France train stations and some hotel rooms are affected. There is an increasing infestation problem.” ani Poe.
Una nang humingi ng paumanhin ang Manila International Airport Authority at nag utos nang magsasagawa ng mas maayos na sanitation measures sa NAIA. | ulat ni Nimfa Asuncion