Matinding init ng panahon, mararamdaman bukas sa Bacnotan La Union – PAGASA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na muli na namang mararamdaman ang mainit na panahon bukas sa Bacnotan, La Union.

Batay sa forecast ng PAGASA, aabot sa 42° Celsius ang heat index na mararamdaman bukas sa lalawigan.

Ngayong araw naitala ang 40° Celsius na heat index sa lalawigan.

Kahapon din Marso 19, naitala ang pinakamatinding init ng panahon doon na aabot sa 47° Celsius at 42° Celsius noong Marso 18.

Samantala, mainit na panahon pa rin ang naitala sa Cotabato City ngayong araw na aabot sa 40° Celsius, 39° Celsius sa Roxas City, Capiz, 39° Celsius sa Puerto Princesa sa Palawan at Pili Camarines Sur, 38° Celsius sa San Jose Occidental Mindoro at Zamboanga City, sa Zamboanga del Sur. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us