Dalawang araw nang nararamdaman ang mainit at maalinsangang panahon sa Roxas City, Capiz sa Central Visayas habang umiiral ang El Niño phenomenon sa bansa.
Batay sa forecast ng PAGASA Weather Bureau, pumalo sa 42°C ang heat index ngayong araw sa Roxas City at asahan pang mararamdaman ito bukas.
Naitala rin ang 41°C heat index sa Virac, Catanduanes at Pili sa Camarines Sur, at 40°C sa iloilo City, Iloilo.
Samantala, bumaba na sa 41°C ang heat index sa Cotabato City mula sa 42°C kahapon habang sa Metro Manila naman ay naitala ang 39°C na heat index.
Ayon sa PAGASA, asahan pa bukas ang matinding init ng panahon sa Cotabato City, Ilolo City at Dumangas, sa Iloilo, Pili, Camarines Sur at sa Virac, Catanduanes. | ulat ni Rey Ferrer