Aktibong nakikiisa ang Manila Electric Company (MERALCO) sa mga programa at kampanya ng Bureau of Fire Protection (BFP) kontra sunog.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso.
Kaugnay nito, lumahok ang Meralco Rescue sa kauna-unahang Fire and Disaster Resilience Expo ng BFP Makati City na ginanap sa Circuit Event Grounds, at dinaluhan ng mga residente ng lungsod kabilang na ang mga pamilya at mga estudyante.
Tampok sa aktibidad ang mga interactive booth na may live demonstration ng tamang paggamit ng mga rescue equipment.
Nagpasalamat naman ang Makati LGU sa Meralco sa patuloy na pakikiisa sa iba’t ibang lokal na programa ng lungsod. | ulat ni Diane Lear