Mga alituntunin sa pagtitipon ng ebidensya at pagbuo ng kaso ng online sexual harassment, inilunsad ng DOJ

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng Department of Justice (DOJ) na pangunahan ang pagbuo ng mga protocol at pamantayan para sa mga kaso ng online sexual harassment.

Kung kaya’t nakipagtulungan ang DOJ sa mga ahensyang nagpapatupad ng batas upang magtatag ng malinaw na mga pamamaraan para sa pagtanggap ng mga reklamo, pagtugon sa mga insidente, at pagkolekta ng ebidensya.

Ito ang naging tema ng kaganapan sa paglulunsad ng DOJ, sa colaburasyon ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng mga Guidelines in Gathering Evidence and Case Build-up of Gender-Based Online Sexual Harassment (GBOSH).

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla may mga alituntunin ito na magbibigay sa mga awtoridad ng mga kinakailangang kasangkapan upang epektibong mag-imbestiga at mag-usig sa mga nagkasala, na kinasasangkutan ng elektronikong ebidensya anuman ang lokasyon ng ebidensya.

Ang paglulunsad ay kasabay ng pagdiriwang ng 2024 Women’s Month, na higit na binibigyang-diin ang pangako ng DOJ na protektahan ang kababaihan at lahat ng Pilipino mula sa online sexual harassment.

Ang mga resource person mula sa iba’t ibang ahensyang nagpapatupad ng batas ay nag-ambag din ng kanilang kadalubhasaan sa pagbuo ng mga komprehensibong protocol.  | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us