Pinahalagahan ng Philippine Navy ang papel ng mga babaeng reservist sa Batanes sa pagdiriwang ng Women’s Month, ngayong Marso.
Ayon kay Phil. Navy Public Affairs Office Chief Commander John Pierce Alcos, committed ang Phil. Navy na i-empower at suportahan ang kababaihan sa kanilang “pursuit of excellence”.
Patunay aniya nito ang 12 babae na kabilang sa 119 reservist, na nakakumpleto ng Basic Citizen Military Course (BCMC) noong Marso 9 sa Basco, Batanes.
Sampu sa mga babae ang Marine Reservist habang dalawa ang sailor reservist, na nagpapakita ng dedikasyon, determinasyon at kapabilidad ng mga babae sa serbisyo militar.
Ayon kay Alcos, testamento ito ng determinasyon ng Philippine Navy na bigyan ng pantay na oportunidad ang lahat, anuman ang kasarian, na makapag-ambag sa pambansang seguridad. | ulat ni Leo Sarne