Sunod-sunod nang nahuhuli ng Pest Control personnel ang mga dagang gumagala sa ilang pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport NAIA Terminal 3.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) Spokesperson Atty. Chris Bendijo kasunod na rin ito ng pagkakahuli ng isang daga sa pamamagitan ng sticky traps sa NAIA 3 at pagpapakalat ng mga karagdagang mouse traps at malagkit na bitag para hulihin ang mga peste sa paliparan.
Kaugnay nito, ikinatuwa naman ng pamunuan ng MIAA ang ginagawang aksyon ng service provider na Pest Control Services upang maging ganap na mouse-free ang NAIA terminals.
Una nang binanggit ni MIAA General Manager Eric Ines na repasuhin ang kontrata ng service provider kung nagagampanan ang kanilang tungkulin para panatilihing malinis ang mga pasilidad ng NAIA.
Hindi rin nagustuhan ni Ines ang mga lumalabas na ulat kaugnay ng kotrobersya sa isyu ng surot ipis at daga na nag-viral sa social media na tila kapabayaan umano ng Pest Control Services. | ulat ni AJ Ignacio