Nagkasa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) medical team at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng random drug testing sa mga driver at konduktor sa ilang bus terminal sa Quezon City ngayong araw.
Ito ay kasabay ng ginawang pag-inspeksyon sa ilang bus terminal na pinangunahan ni MMDA General Manager Procopio Lipana kasama ang ilang opisyal ng ahensya.
Layon nitong matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga pasahero na bibiyahe ngayong Semana Santa. Gayundin ang kahandaan ng mga kompanya ng bus sa inaasahan pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal.
Ayon sa MMDA, nasa kabuuang 65 na mga driver at konduktor ang sumailaim sa random drug testing at lahat naman ng mga ito at nag-negatibo.
Sa bilang na ito, nasa 25 na mga driver at konduktor mula sa Five Star Bus, habang 23 naman ang mula sa Baliwag Transit, at 17 mula Genesis Transport.
Inaasahan naman ang buhos ng mga pasahero sa mga terminal sa Miyerkules Santo na uuwi sa mga lalawigan. | ulat ni Diane Lear