Naglalabas ng babala ang House Secretary General kaugnay sa spam messages na natanggap ng ilang empleyado ng Kamara.
Batay sa ulat, February 21 nang makatanggap ng email ang ilang empleyado mula sa [email protected]
Pero sabi ng tanggapan ng House SecGen, hindi ito opisyal na email ng alin mang departamento sa Kamara.
Natuklasan na ito ay orihinal na nagmula sa ibang email address at pinagmukha na isang lehitimo at opisyal na email.
“On 21 February 2024, at 6:30 a.m., some employees received spam emails from [email protected]. Please note that this email addresses is not of our official email directory. These emails were sent from [email protected] but were masked to appear as legitimate communications from our email administrators, aiming to deceive recipients.” saad sa abiso.
Pinayuhan ang mga empleyado na huwag bubuksan ang kahina-hinalang emails at agad ipagbigay alam sa Information and Communications Service Department ng Kamara.
Nagsasagawa na rin anila ang Microsoft ng imbestigasyon ukol sa insidente.
“For your safety, please refrain from opening or clicking on any emails from the aforementioned sender. Kindly report any suspicious emails to the Information and Communications Technology Service (ICTS) or delete them immediately. We already have taken steps to block unauthorized email addresses as part of our security measures. Microsoft is currently conducting an investigation to determine the cause of this incident.” sabi pa rito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes