Nakatanggap ang Philippine Navy ng 10 generator set na donasyon ng Armed Forces and Police Savings and Loans Associations, Inc. (AFPSLAI) para sa mga outpost sa West Philippine Sea.
Pormal na tinanggap ni Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. ang mga generator set mula kay AFPSLAI President and CEO, retired Navy Vice Adm. Gaudencio Collado Jr. sa Philippine Navy Headquarters kahapon, Marso 26.
Sinabi ni Ret. VAdm. Collado na ang donasyon ay “mission critical equipment” na makakatulong sa mga tauhan ng Philippine Navy na nagbabantay sa mga outpost ng Pilipinas sa West Philippine Sea na magampanan ang kanilang misyon.
Binigyang diin ni Collado na kaisa ang AFPSLAI sa Philippine Navy sa pagtataguyod ng maritime interests at soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.
Nagpasalamat naman ni VAdm. Adaci sa donasyon at sinabing palaging naaasahan ang AFPSLAI sa panahon ng pangangailangan. | ulat ni Leo Sarne
📷: S1JO Ronald A Pataueg PN / NPAO