Pinawi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang pangamba ng mahigit 200 kawani ng ahensya na matatanggal sa trabaho dahil sa kawalan ng Civil Service Eligibility.
Kaugnay nito, hinikayat ni Catapang ang 275 na ineligible na kawani na irekomenda ang kanilang mga kaanak na mag-apply sa BuCor.
Tinitiyak ni Catapang na basta kuwalipikado sila sa posisyon ay paniguradong matatanggap sa ahensya.
Una na ring kinumpirma ng BuCor na maaalis sa trabaho ang 275 na empleyado dahil hindi nakasunod sa itinatakda ng Civil Service Law. | ulat ni Lorenz Tanjoco