Patuloy ang pagdagsa ng mga mananampalatayang Katoliko sa iba’t ibang simbahan sa Maynila ngayong araw, Linggo ng Palaspas, upang gunitain ang pagpasok ni Hesukristo sa Jerusalem bago ang kanyang kalbaryo.
Sa Simbahan ng Quiapo, aabot hanggang Plaza Miranda ang mga mananampalataya na nakikiisa sa misa ngayong araw. kung hindi sa Plaza Miranda ay mga may ilan din nakikimisa sa gilid ng Simabahan sa tabi ng Quezon Blvd.
Nagkakaroon naman ng kaunting pagbigat sa trapiko sa nasabing kalsada dahil sa mga sasakyang nagbababa ng mga pasahero na nais magsimba sa Quiapo.
Tuloy-tuloy naman ang magiging misa ngayong araw sa Quipo Church hanggang sa huling misa sa ganap na 7:00 ng gabi
Sa Manila Cathedral, halos nakakapasok naman ang lahat ng mga taong nais makilahok sa misa para sa Linggo ng Palaspas.
Ngayong araw, may dalawa pang misang gaganapin pagpatak ng 4:00 ng hapon at mamaya 6:00 ng gabi.
Gaya rin sa ibang simbahan dinagsa rin ng mga mananampalataya ang Binondo Church sa Maynila sa mga naganap na misa nito kaninang umaga. Mamayang 5:00 ng hapon isasagawa ang susunod at huling misa sa Simbahan ng Binondo ngayong araw.
Samantala, sinasamantala naman ng ilan sa ating mga kababayan ang dagsa ng mga mananampalataya ngayong araw sa mga simabahan upang magbenta ng palaspas.
Naglalaro sa P30-P50 ang presyo ng mga ibinibentang palaspas depende sa disenyo.| ulat ni EJ Lazaro