Umusad na sa plenary ng Senado ang panukalang batas tungkol sa isinusulong na gawing ligal ang paggamit ng marijuana bilang sangkap sa paggawa ng gamot.
Sa mismong gallery ng Senado ay nagsama-sama kahapon ang mga advocates ng medical cannabis.
Kasamang dumalo sa Senado si Dr. Richard Nixon Gomez, kilalang scientist at inventor.
Siya din ang CEO ng Bauertek Farmaceutical Technologies na may kakayanang gumawa ng Pharmaceutical Grade Medical Cannabis.
Ayon kay Dr. Gomez, mas murang halaga para sa mga Pilipinong may karamdaman at makapagbigay trabaho at malaking buwis sa bansa.
Muling nilinaw ng mga advocates na hindi kasama ang recreational cannabis sa panukalang batas.
Sina Senador Robinhood Padilla at Senador Bato Dela Rosa na mga author at co-author ng panukala ang nagdepensa sa plenary session ng Senado kahapon.
Kapag naisabatas, papayagan ang pagtatanim, extract, research, at manufacturing ng cannabis bilang sangkap sa sa paggawa ng gamot. | ulat ni Mike Rogas