Nais ni House Deputy Majority Leader Jude Acidre na may mapanagot sa kung paanong may nakapasok na Chinese nationals sa Philippine Coast Guard Auxiliary Force.
Naniniwala ang mambabatas na hindi “honest mistake” ang pag-recruit sa mga ito.
Katunayan masasabing malisyoso ang tila pagtatago o paglilihim dito na isang banta sa ating pambansang seguridad.
“I hope that this should be a lesson for us moving forward and also to probably look into it closely kung bakit sila nakapasok, sino yung mga nagpahintulot, who turned a blind eye. I’m sure, hindi naman pwedeng nangyari lang yon ng sila lang eh, I’m sure there will be people should be made accountable, it’s not what we can consider an honest mistake, I’m sure the concealment is something that’s malicious and that is a serious threat to national security.” giit ni Acidre.
Dagdag pa niya na tila ‘double whammy’ sa panig ng Pilipinas na may mga Chinese national na nagsusuot ng uniporme ng PCG na siya pa namang naataasang magbantay sa West Philippine Sea.
Nanawagan din si Acidre sa iba pang ahensya ng pamahalaan na may auxiliary force na salaing mabuti ang kwalipikasyon ng mga papasok sa kanilang hanay.
“Even if they say they’re just PCG Auxiliaries no, may napapasukan tayo. Akala ko nga, sa pelikula lang nangyayari yung mga ganong bagay ‘di ba? To think, when you are a PCG Auxiliary, you actually wear a uniform and for the uniform of the PCG use, the agency na involved sa pagprotekta ng West Philippine Sea parang double whammy naman tayo doon diba?” sabi ni Acidre. | ulat ni Kathleen Jean Forbes