Abot sa 3,447 motorista ang nahuli ng Land Transportation Office (LTO) sa Metro Manila sa nakalipas na buwan ng Pebrero dahil sa pinaigting na kampanya laban sa mga lumalabag sa batas trapiko.
Sa kabuuan, 2,026 dito ang nahuli dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code.
Ang iba pang kasong paglabag ay kinasasangkutan ng mga unregistered motor vehicle, alinsunod sa ipinatutupad na’No Registration, NoTravel’policy.
Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III, karamihan din sa mga nahuling motorista ay nagmamaneho ng mga sasakyan na may mga depektong accessories at kagamitan.
Kasama sa mga hinuli ang mga nakasuot lang ng tsinelas, hindi pagdala ng OR/CR, reckless driving, pagmamaneho ng walang driver’s license, hindi paggamit ng seat belt device at iba pang paglabag
Pagtitiyak pa ni Verzosa na magpapatuloy ang mga operasyong ito ng LTO-NCR sa buong taon para sa kaligtasan ng mga motorista. | ulat ni Rey Ferrer