Inabutan na ng financial aid ng National Housing Authority (NHA) ang 38 pamilya na nasunugan sa 4 na barangay sa Dasmariñas Cavite.
Ayon kay NHA Region IV Manager Roderick Ibañez, bawat isa ay tumanggap ng ₱10,000 para sa kabuuang ₱380,000.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa barangays Paliparan, Burol, Langkaan at Salitran, Dasmariñas.
Isinagawa ng NHA ang Emergency Housing Assistance Program (EHAP) upang palawigin ang mga serbisyo nito sa pabahay sa pamamagitan ng pagbibigay ng cash assistance sa mga biktima ng kalamidad.
Layunin nitong matulungan sila para maitayo muli ang kanilang tahanan.
Bukod sa fire incidents, tumutugon din ang NHA EHAP sa iba pang kalamidad tulad ng bagyo, lindol at baha. | ulat ni Rey Ferrer