Hinimok ni Finance Secretary Ralph Recto ang Australian businesses na mamuhunan sa kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas, ang Maharlika Investment Fund.
Ito ang paanyaya ni Recto sa kaniyang unang international engagement bilang kalihim ng Department of Finance.
Ayon kay Recto, ang MIF ay may pro-business na mga polisiya at magbibigay pagkakataon sa mga negosyanteng Australyano na palawakin ang kanilang market sa bansa.
Pagkakataon naman ito sa Pilipinas upang pondohan ang big ticket infrastructure projects.
Kabilang sa investment opportunites sa bansa ay sa telecommunications sector, transportation, banking, mining at energy.
Ipinagmalaki pa ni Recto sa harap ng Philippine Business Forum ang ginagawang reporma ng pamahalaan upang mas gawing investment-friendly ang Pilipinas.
Ang bansang Australia ang ika-13 sa pinakamalaking trading partner ng Pilipinas na nagkakahalaga ng $4.1 bilyon at ito rin ang 16th largest contributor ng Foreign Direct Investment ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes