Iginiit ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na panahon nang panagutin ang mga lokal at national agency officials na nagkulang at nagpabaya sa pagpapahintulot na makapagpatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills National Monument.
Ang Chocolate Hills ay idineklara bilang protected area noon pang 1997.
Kabilang sa pinunto ni Legarda ang pagdedeklara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ilang bahagi ng lupa sa gitna ng Chocolate Hills na private lands at hindi pagsama ng ilang lupa sa gitna bilang bahagi ng protected area.
Sinabi rin ng senador na dapat magpadala ng mga uniformed personnel ang DENR para ipatupad ang mga rules nito at hindi lang sapat ang paglalabas lang ng Closure Order nang walang mahigpit na pagpapatupad.
Dapat rin aniyang tinukoy ng DENR at ng Protected Area Management Bureau (PAMB) ang 20 meter retention para magabayan ang LGU sa paglalabas ng business permit.
Inihain rin ni Legarda ang Senate Bill 494 o ang Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) bill para matugunan ang capacity gap sa enforcement ng DENR bilang walang uniformed service ang ahensya para sa pagpapatupad ng mga batas. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion