Nilinaw ng Office for Transportation Security na maari pa ring makalipad ang mga pasaherong mahuhulihan ng bala sa bawat palipran sa bansa.
Ito ang naging pahayag ni OTS Spokesperson Kim Marquez matapos ang ilang ulat na hindi nila pinapalipad ang mga pasaherong may dalang bala sa kanilang biyahe.
Aniya hindi nila hinaharang ang mga naturang pasahero sa kanilang biyahe bagkus confiscation procedures lamang ang kanilang ginagawa at matapos na makuha ang bala.
Dagdag pa ni Marquez na nasa halos apat na libong mga pasahero ang nahulihan ng bala sa kanilang bagahi.
Muli naman paalaa ng OTS sa publiko na iwasan na ang pagdadala ng bala upang hindi na maabala sa kanilang pagbiyahe.| ulat ni AJ Ignacio