Hindi pa ramdam ang buhos ng mga bakasyonistang luluwas sa mga probinsya sa bus terminal ng Victory Liner dito sa Cubao, Quezon City.
Kapansin-pansin na mangilan-ngilan pa lang ang bumibyahe ngayong umaga at hindi rin napupuno maging ang mga ticketing booths.
Ayon sa ilang dispatcher ng bus terminal, inaasahan nilang bukas pa magsisimulang dumagsa ang mga pasahero hanggang sa March 28 o Miyerkules Santo.
May ilang pasahero namang gaya nila Arnold na galing Pampanga at dito sa Maynila gugunitain ang Mahal na Araw.
Nakahanda naman na ang terminal sa pagdagsa ng mga pasahero at mayroon na ring nakalatag na Passenger Assistance Desk.
Mayroon ding karagdagang bus ang inaasahang bibiyahe sa bisa ng special permit mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). | ulat ni Merry Ann Bastasa