Nagpaalala ang Social Security System (SSS)sa lahat ng pensioners na naka-iskedyul ngayong Marso na mag-submit na ng kanilang compliance sa Annual Confirmation of Pensioners Program (ACOP) bago matapos ang buwan.
Ito’y upang matiyak ang tuloy-tuloy nilang pagtanggap ng monthly pension.
Obligado na magsumite ng compliance ang mga retirement pensioner na nakatira sa ibang bansa, mga pensioner sa Pilipinas na may 80 taong gulang pataas, total disability pensioners, death survisorship pensioners at dependent children under guardianship.
Paalala ng SSS, lahat ng retirement pensioners na nakatira sa bansa na wala pang 80 taong gulang ay exempted sa ACOP.
Habang ang mga retirement pensioner na may death survivorship pensioner ay kinakailangan ding magsumite ng dalawang magkahiwalay na ACOP reply forms.| ulat ni Rey Ferrer