Inatasan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang Office of Civil Defense (OCD) na palawakin ang mga susunod na Earthquake drill.
Ang direktiba ay binigay ng kalihim sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, kasunod ng 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong umaga.
Paliwanag ng kalihim, sa ngayon ay nakasentro ang pagsasanay sa kakayahan ng mga responder na tumugon sa malakas na lindol.
Pero kailangan din aniya na palakasin ang kamalayan ng mga mamamayan para alam nila ang kanilang gagawin pagkatapos gawin ang “duck, cover, and hold move”, upang makatulong din sa pagtugon sa sakuna.
Sinabi ni Teodoro na kailangang gawing mas “community-based” ang pagsasanay kung saan mas malawak ang magiging papel ng mga barangay leader.
Kailangan din aniyang dagdagan ang mga scenario sa pagsasanay, tulad ng pagsasagawa ng earthquake drill sa gabi at pagsasanay sa pagguho ng gusali. | ulat ni Leo Sarne