Bilang bahagi ng ‘Oplan Biyaheng Ayos 2024’, tiniyak ng pamunuan ng Manila International Airport Authority na handa sila sa bugso ng mga tao ngayong summer season partikular ngayong Holy Week.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, inaasahan na nila ang nasa 15% increase sa dami ng air travelers ngayong taon o nasa mahigit isang milyong pasahero.
Paliwanag ni Ines, sa unang dalawang linggo pa lang ng Marso ay pumalo na sa 1.8 million ang bilang ng pasahero sa airport kung saan naglalaro ito sa 128,000 hanggamg 138,000 araw-araw.
Sa datos aniya nila noong pre-pandemic ay pumapalo ang bilang ng pasahero tuwing Lenten Season sa 1.1 milyon sa buong Holy Week.
Tiniyak din ng Airport Chief ang sapat na manpower, equipment, at optimal working conditions para sa amenities at key facilities, kabilang ang critical airport utilities at backup systems. | ulat ni Lorenz Tanjoco