Nakipagpulong ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa airline operations service kabilang ang Philippine Airlines sa mga excluded pssensgers na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos hindi papasukin sa bansa ng Bureau of Immigrations (BI) sa bansa dahil sa mga kasong kinkaharap nito sa interpol.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, nakapaloob pa ito sa responsibilidad ng mga airline companies.
Dagdag pa ni Ines na kapag na-exclude ang mga pasahero, kinakailangang pabalikin ito ng naturang airline company pabalik sa kanilang point of origin o lugar na pinangalingan.
Kaugnay nito, pansamantalang nanunuluyan ang mga excluded passengers sa lounge ng Philippine Airlines habang pinroproseso ang kanilang pagbalik sa kanilng point of origin. | ulat ni AJ Ignacio