Naka-standby na ang mga generator sets na magsusuplay ng kuryente sa mga importanteng pasilidad ng Manila International Airport Authority sakaling magkaroon ng power failure ang Meralco ngayong Semana Santa 2024.
Ayon kay MIAA General Manager Eric Ines, simula Enero ng taon ngayon ay sumasailalim sa monthly test runs ang mga naturang generator para matiyak na gumagana ang mga ito partikular ang mga generator sa MIAA admin building, lahat ng complexes ng apat na passenger terminals, at sa International Cargo Terminal.
Liban dito ay pinagmalaki din ng pinuno ng MIAA na natapos na nila ang serye ng planned electrical maintenance activities sa NAIA Terminal 3, na target na palakasin ang overall reliability ng pinakamalaking electrical systems sa nasabing terminal. | ulat ni Lorenz Tanjoco