Nagsagawa ng clearing operations ang Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong Huwebes ng hapon, Marso 14, sa kahabaan ng C5 East Service Road dahil sa report na kanilang natanggap na ginagawang parking lot ang naturang service road.
Umabot na sa 63 ang natiketan at 11 naman ang na-tow na sasakyan at motor dahil wala umanong tao sa naturang mga saaakyan.
Magmumulta ng ₱1,000 ang mga nahuli habang mahigit ₱5,000 ang mga sasakyang na-tow. | ulat ni AJ Ignacio