Suportado ni Senador Francis Tolentino ang ganap na modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) para epektibong masugpo ang tumataas na insidente ng sunog sa bansa.
Pinunto ng senador ang datos mula sa fire department, na nagpapakita na tumaas ng 25% ang fire incidents sa bansa nitong 2023 kumpara noong 2022 o mula 13,000 na sunog noong 2022 ay lumobo ang bilang ng sunog noong 2023 sa 16,493.
Sinang ayunan ni Tolentino ang request ng BFP, na magkaroon ng mga modernong kagamitan at madagdagan ang kanilang mga tauhan.
Kaugnay nito, sinabi ng mambabatas na kailangan ng fire department na mag organisa ng auxiliary brigade nito mula sa professional sector na magsisilbing force multipliers nila sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Iminumungkahi ni Tolentino, na ang mga magiging miyembro ng auxiliary brigade na ito ay magawaran ng rank incentives para makahikayat ng partisipasyon sa firefighting at fire prevention. | ulat ni Nimfa Asuncion