Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi muna magbabago ang interest rates sa ngayon kahit na nagimprove ang “inflation conditions.”
Patuloy ding susuportahan ng BSP ang non-monetary measures ng gobiyerno upang mamitigate ang supply – side pressures sa presyo ng bilihin at mamintini ang disinflation process.
Hinde naman ikinabahala ng sentral bank ang muling pagtaas ng inflation nuong nakaraang buwan kumpara sa 2.8 January inflation dahil umano pasok pa din ito sa forecast range ng BSP.
Paliwanag ng Sentral Bank, ang inflation outturn ay consistent sa inasahan na target range ngayong 1st quarter.
Anila, bahagya itong tataas pansamantala dahil sa epekto ng El Niño na siyang nakakaapekto naman sa agricultural production.| ulat ni Melany V. Reyes