Magbibigay ng libreng sakay ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 para sa mga kababaihang pasahero sa pagdiriwang ng Women’s Day sa March 8.
Batay sa abiso, magsisimula ang libreng sakay ng alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette Aquino, ang libreng sakay ay pasasalamat at pagkilala sa mahalagang papel ng mga babae sa lipununan.
Nararapat lang aniya na papugayan at suportahan ang mga kababaihan lalo pa aniya ang kanilang mga kawaning babae gaya ng ticket sellers, security personnel, station supervisors na patuloy na nagsisikap para matiyak na maayos at ligtas ang biyahe ng mga pasahero.| ulat ni Diane Lear