MRT-3, tigil-operasyon sa Holy Week

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas na ng Department of Transportation (DOTr) ang iskedyul ng MRT-3 sa darating na Mahal na Araw.

Sa abiso ng MRT management, suspendido ang operasyon ng tren mula Huwebes Santo, March 28 hanggang Linggo ng Pagkabuhay o March 31.

Ito ay para magbigay-daan sa isasagawang taunang maintenance activites tuwing Mahal na Araw.

Mananatili naman ang regular na operasyon ng tren sa Miyerkules Santo kung saan ang last trip ay 9:30 p.m. mula North Avenue Station, at 10:09 p.m. sa Taft Avenue Station.

Magbabalik naman ang operasyon ng lahat ng istasyon ng MRT-3 sa April 1.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us