MRT stations na malapit sa pick-up at drop-off points ng EDSA Bus Carousel, mananatiling accessible sa Holy Week

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso ang MRT-3 managament na mananatiling accessible sa mga pasahero ang mga istasyon ng MRT na malapit sa pick-up at drop-off points ng EDSA Bus Carousel sa panahon ng Semana Santa.

Ito ay sa kabila ng pansamantalang tigil-operasyon ng MRT-3 mula Huwebes Santo, March 28 hanggang linggo ng pagkabuhay, March 31, para magbigay-daan sa taunang Holy Week maintenance activities ng rail line.

Kabilang sa mga istasyon na mananatiling accessible sa mga pasahero ng EDSA Bus Carousel ay ang: Quezon Avenue Station, Santolan Station, Ortigas Station, Guadalupe Station, at Buendia Station.

Kasunod nito, pinapayuhan ang mga pasahero na gumamit ng alternatibong mga transportasyon, gaya ng EDSA Bus Carousel, sa darating na Semana Santa.

Magbabalik naman ang regular na operasyon ng MRT-3 sa April 1. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us