Umaapela ang mga Filipino-Chinese Businessmen sa gobyerno ng Pilipinas at China na muling magharap at pag-usapan ang isyu ng West Philippine Sea.
Ito ay sa gitna ng tumitinding iringan ng Philippine Coast Guard at Chinese Coast Guard sa usapin ng teritoryo.
Ayon kay Dr. Cecilio Pedro, President ng Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry Incorporated, mas mahalaga pa rin ang muling pag-uusap ng dalawang bansa upang hindi lumala ang tensyon.
Marami daw mga Chinese ang gustong mamuhunan sa Pilipinas tulad ng energy at manufacturing sector subalit dahil sa gusot sa West Philippine Sea ay nagtutungo na lamang sila sa ibang bansa tulad ng Vietnam at Cambodia.
Nanghihinayang si Pedro sa mga oportunidad na ito lalo pa at nalampasan na ng mga karatig bansa sa Southeast Asia ang Pilipinas kung ang pag-usapan ay ang pagdami ng negosyo at trabaho.
Tiwala ang Filipino Chinese Businessmen na hindi makikidigma ang China sa PIlipinas dahil ang usapin ng West Philippine Sea ay maaaring madaan pa sa maayos na usapan. | ulat ni Mike Rogas