Ramdam na ng mga mamimili sa Marikina City Public Market ang pagbaba sa presyo ng ilang produktong agrikultural gaya ng sibuyas at talong.
Ito’y kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang presyo ng ilang agricultural product sa unang dalawang buwan ng 2024.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, mabibili na ngayon ang pulang sibuyas sa halagang ₱70 kada kilo mula sa dating ₱80 per kilogram habang ang puting sibuyas naman ay mabibili na sa ₱50 hanggang ₱60 kada kilo.
Bagaman ayon sa mga natitinda ng gulay, nananatili ang presyo ng talong sa ₱60/kilogram.
Nabatid na batay sa datos ng PSA, nasa ₱163 ang kada kilo ng sibuyas habang nasa ₱86 naman ang kada kilo ng talong. | ulat ni Jaymark Dagala