Muling iginiit ng Department of Trade and Industry (DTI) na magiging maganda ang indikasyon ng mga nakuhang pamumuhunan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Berlin Germany.
Ito ay matapos makuha ng ating bansa ang nasa US$4 billion na pamumuhunan sa naturang bansa.
Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, kabilang sa mga sektor ang nais na mamuhunan sa bansa ay mula sa healthcare, manufacturing, innovation, agriculture, at renewable energy,
Dagdag pa ni Pascual, inaasahan na magiging malaki ang ambag nito sa ating ekonomiya at maghahatid ng mas maraming trabaho ang malilikha nito.
Sa huli, muling iginiit ni Sec. Pascual, na pabibilisin na ang naturang investment pledges upang maramdaman ito ng bawat mamamayang Pilipino. | ulat ni AJ Ignacio