Malinaw na intrusion na sa teritoryo ng Pilipinas ang pagpasok ng dalawang Chinese research maritime vessel sa Philippine Rise, na sakop ng Exclusive Economic Zone ng bansa.
“Once again this is a clear intrusion into a Philippine maritime teritory, and is a matter of great concern.” —Pangulong Marcos.
Sabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nakababahala ang usaping ito, at kung tutuusin aniya, hindi naman ito kailangan pa.
Aniya, kung talagang research vessel ang mga sasakyang pandagat na ito, maaari namang sanang nagsabi na lang sila sa bansa.
“This is absolutely unnecessary, because if it is truly a research vessel, it could’ve come to a very simple agreement that the research vessel will ply the waters amd do the research that they need to do.” —Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, mayroong mga ispekulasyon na hindi reseach vessels ang mga ito, at ang mga ganitong insidente aniya ay nagpapataas lamang ng tensyon sa WPS.
“Again, this is a bit of an escalation of the tension that is present in the West Phippine Sea.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan