Napaulat na leakage sa entrance test ng Western Visayas State University, pinasisilip na rin sa NBI; Panibagong exam, ikinakasa sa Abril

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Iloilo Rep. Janette Garin na pinaplantsa na ng Western Visayas State University ang pagsasagawa ng panibagong entrance test sa unibersidad.

Kasunod ito ng napaulat na leakage sa ginawang pagsusulit na ginanap noong Marso 10, 2024.

Ayon kay Garin, na isa sa board of regent ng unibersidad, maaaring sa kalagitnaan ng Abril isagawa ang re-take ng exam para sa may 21,000 estudyante na gagawin sa magkakaibang venue.

Wala aniya magiging bayad ang re-take na ito.

“…chances are the retake will be mid-April. Magkakaroon ng maraming venues, they will be coordinating with the local governments and the universities and other schools all throughout Region VI. Kinarve out lang iyong areas, iyong address ng mga nag-take dati and mind you at no cost, walang bayad iyan.” paliwanag ni Garin sa isang pulong balitaan.

Paglilinaw naman nito, na nagpapatuloy ang imbestigasyon sa napaulat na leakage ng exam at hiniling na rin aniya nila ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay dito.

Isa sa kanilang hinala ay maaaring may nakakuha ng litrato ng pagsusulit matapos gawin ang pilot testing at ito ay naipakalat.

“…the recent admission test, I think the applicants were more or less around 21,000 plus. Nagkaroon ng anonymous na info na nagkaroon ng leakage…it’s not yet 100% confirmed but its gearing towards that direction that during the pilot testing probably in Roxas or somewhere, may nag-picture nung pilot test and that was leaked to the, nauna kasi ang pilot testing a few days ahead, na leaked siya duon sa ibang mga applicants.” pagbabahagi ng Iloilo solon | ulat  ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us